Pondo na magagamit ng mga magsasakang maaapektuhan ng El Niño, pinabubuo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahanda ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar ang pamahalaan ng pondo na maaaring magamit para tulungan ang mga magsasaka na maaapektuhan ng El Niño.

Diin ng mambabatas, mahalaga na habang maaga ay may contingency measures nang nakalatag na magsisilbing ayuda sakaling tamaan ng El Niño ang sektor ng agrikultura.

Tinukoy pa nito na noong 2019, nang umiral ang El Niño ay nakapagtala ang bansa ng P8 billion na pinsala sa agrikultura.

“It is important to discuss this now and prepare for contingency measures especially for our small-scale farmers. We need to be better prepared and ready to extend assistance to farmers whose livelihoods are at risk so that they can have some sort of safety net or social protection either in the form of loans, direct cash assistance or cash-for-work,” ani Villar.

Nagbabala na ang mga eksperto na mas tataas ang temperatura kung saan ang mga pananim ang tatamaan.

Sa ngayon apat na probinsya na sa Northern Luzon ang nakakaranas ng dry spells o kawalan ng ulan, at posible pang dumami ng hanggang 30 probinsya sa huling bahagi ng taon kung kailan inaasahang mas titindi ang epekto ng El Niño. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us