Nagpatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng Automatic Load Dropping (ALD) kasunod ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan.
Ayon sa Meralco, ito ay nagdulot ng pagbaba sa 397 megawatts na suplay ng kanilang kuryente.
Ito ay nakakaapekto sa nasa 500,000 customer ng Meralco sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at Quezon.
Samantala, bilang tugon sa deklarasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isailalim sa Yellow Alert ang Luzon Grid simula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon.
Inactivate ng Meralco ang Interruptible Load Program o ILP, na layong ma-deload o mabawasan ang mga Meralco customer na mataas kumonsumo sa kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng gen-set o ‘di kaya ay bawasan ang kanilang operasyon.
Ito rin ay para maiwasan ang pagpapatupad ng power service interruptions.
Tiniyak naman ng Meralco, na naka-monitor ito sa sitwasyon at nakahandang magpatupad ng contingency measures kung kinakailangan. | ulat ni Diane Lear