Matagumpay na inilunsad ngayong araw, Hulyo 11, ang Preventing and Countering Radicalization and Violent Extremism (PCRVE) activity dito sa Brgy. Buenavista sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur.
Pinangunahan ang kick-off ceremony nito ng Civil Military Operation Unit – Eastern Mindanao ng Philippine Navy.
Ayon kay Commanding Officer Lt. Jacky Santos na ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Executive Order No. 70 o ang “Whole-of-the-Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict” na kung saan bukod sa kanila ay nandoon rin ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng TESDA, DOLE, DTI, NCIP, PNP, BFP, Philippine Coast Guard, at iba pa.
Matapos ang isinagawang kick-off ceremony, sinundan naman ito ng isang community dialogue kasama ang mga mamamayan ng nasabing barangay.
Kaugnay nito, gumanap naman bilang Guest of Honor and Speaker sa nasabing aktibidad si City Mayor Roxanne Pimentel.| ulat ni Raymond S. Aplaya| RP1 Tandag