Iprenisinta ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilan sa mga achievement ng tanggapan sa unang isang taon ng Marcos Administration.
Ayon kay CHED Chair Prospero de Vera, ilan lamang dito ang pagpapataas ng access para sa tertiary education, pagtugon sa mga usaping binuksan ng EMSA kaugnay sa maritime education sa bansa.
Pagtugon sa issue sa nursing education, pagpapalawak ng medical education, pagpapalakas ng science, technical, engineering, at math programs sa bansa; at pag-angat sa Philippine education sa global level.
Ayon naman kay Education Undersecretary Michael Poa, nais nilang ma-improve ang teacher education council, o ang teaching quality sa Pilipinas.
Nais rin nilang maisulong ang institutionalization ng blended learning, upang maging permanenteng mode of delivery na ito.
Makakatulong kasi aniya ito sa mga ginagawa nang paraan ng pamahalaan na pag-hire ng karagdagang guro at pagtatayo ng mas maraming silid-aralan, upang matugunan ang mga limitasyon sa guro, classroom, at upang ma-decongest ang mga paaralan.
“Kasi noong pandemya, na-realize natin na puwede pala iyong blended learning, puwede pala iyong online classes. So, we want to use that to be able to decongest our schools. This will effectively and efficiently resolve iyong issues…as to teachers’ shortage and classroom shortage in a quicker span of time,” —Usec Poa.
Ngayong araw, inilatag rin ng DepEd kay Pangulong Marcos ang ilang sa mga nagawa ng kanilang tanggapan.
“We highlighted iyong ating national learning camps that we will be piloting very soon, (on) July 24, which will offer enhancement, consolidation and also intervention camps for our learners during the break… Aside from that, we also focused on what we’ve done in terms of learners’ welfare and teachers’ welfare,” —Usec Poa. | ulat ni Racquel Bayan