Operasyon ng NAIA, pansamantalang suspendido kasunod ng inilabas na Lightning Red Alert

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang nabalam ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Ito ay makaraang itaas ng Manila International Airport Authority (MIAA) Ground Operations and Safety Division ang Lightning Red Alert dakong alas-2:56 ng hapon.

Layon ng nasabing alerto na mapag-ingat ang mga tauhan ng paliparan gayundin ang mga pasahero sa peligrong dulot ng masamang panahon.

Kasabay naman ito ng pagbuhos ng malakas na ulan sa paligid ng NAIA Complex na sinamahan pa ng pagkidlat at pagkulog dulot ng thunderstorm na itinaas ng PAGASA.

Agad namang naibalik sa normal ang operasyon ng nasabing paliparan dakong alas-3:27 ng hapon makaraang ibaba na ng MIAA sa Yellow ang Lightning Alert. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us