Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta – Marcos ang pagpapasinaya sa bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Tampok sa bagong logo ang simbolo ng apoy na sumi-simbulo sa alab na nagsusulong sa pagbabago at progreso.
Kinakatawan rin ng bagong logo ang mensahe ng leadership, guidance, at direksyon.
Sa ika-40 anibersaryo ng PAGCOR, kinilala ng pangulo ang papel na ginagampanan ng tanggapan sa nation building, sa linya man ng job generation, kalusugan, turismo, at entertainment.
“We all know that Pagcor stands as a pillar of our nation’s tourism industry. The attractions and ventures that you have taken under your care have drawn visitors from far and wide, get generating jobs and opportunities for our people.” —Pangulong Marcos.
Kinilala at nagpasalamat rin ang pangulo para sa mga programa ng PAGCOR, mapa-feeding program man, learning, at medical program, para sa mga Pilipino.
“You are among those who brought help to the most sewing seed of hope and recovery amidst the darkest of hours. Certainly PAGCOR has made an indelible mark in our society with its undeniable contribution to nation building.” —Pangulong Marcos.
Umaasa si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng PAGCOR ang kanilang commitment sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino.
Maging sa pagsusulong ng gaming landscape sa bansa, na mayroong responsableng practice, integridad, at paglaban sa mga iligal na aktibidad.
“May you remain a shining example of what it means to be workers at PAGCOR. Individuals who stand firm in their dedication to service, excellence and integrity, who are determine to leave their mark not only in gaming industry but in our society as a whole. Thank you and may this anniversary be a catalyst for even greater achievement in the years ahead.” —Pangulong Marcos.
Sa kaganapan, inilatag rin ng PAGCOR ang highlight o achievements ng kanilang tanggapan sa nakalipas na 40 taon.
Kabilang na ang Php607 billion na ambag ng tanggapan sa nation building.
Sa ilalim naman ng Marcos Asministration, ang Contribution to Nation Building ng PAGCOR ay nasa Php45 billion. At inaasahang aakyat pa ito sa Php70 billion, sa pagtatapos ng taong kasalukuyan.| ulat ni Racquel Bayan