OVP, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Isla Verde, Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President Disaster Operations Center sa mga biktima ng sunog sa Isla Verde, Barangay 23-C sa Davao City.

Ayon sa OVP, pinadalhan ng relief bags ng Davao Satellite Office ang 109 na pamilyang pansamantalang naninirahan sa evacuation center.

Ang OVP relief bags ay naglalaman ng kumot, sleeping mat, mosquito net, tsinelas, collapsible water container, hygiene kits, face masks, alcohol at sanitary napkin.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP),  nasa 56 na bahay ang natupok ng apoy noong July 4 sa nangyaring insidente ng sunog sa Isla Verde, Barangay 23-C kung saan nasawi ang anim na taong gulang na batang babae.

Nagpaabot naman ng pakikisimpatya si Vice Presidente Sara Z. Duterte sa pamilya ng batang nasawi.

Nagpasalamat din ang OVP sa Barangay Disaster Risk Reduction Management Council, Davao City Police Office at sa Davao City Social Welfare and Development Office na tumulong sa pamamahagi ng relief bags.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us