May 3,000 benepisyaryo sa San Jose Del Monte City, Bulacan ang binigyan ng financial asistance at family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang pamamahagi ng ayuda ay isinabay sa inilunsad na LAB for ALL caravan ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian,bawat isa ay binigyan ng tig Php2,000 o kabuuang Php 6 million sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Kabuuang 4,000 Family Food Packs ang ipinamahagi din sa mga pre-registered at walk-in beneficiaries.
Pagtiyak pa ng kalihim na muli pa silang babalik sa komunidad at sa mga barangay, para magbigay ng tulong.| ulat ni Rey Ferrer