MTRCB, pinayagang ipalabas ng buo ang pelikulang ‘Barbie’; Sen. Tolentino, dismayado sa desisyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinahintulutan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng buo sa pelikulang ‘Barbie’.

Ito ay sa gitna ng panawagan ng ilan na i-ban sa Pilipinas ang pagpapalabas nito dahil sa isang eksenang nagpapakita ng nine-dash line claim ng China sa South China Sea.

Kabilang sa mga tutol na ipalabas sa bansa ang pelikula ay si Senador Francis Tolentino dahil labag aniya ang eksena sa paninindigan ng Pilipinas at sa 2016 The Hague Arbitral ruling.

Sa liham na pinadala ng MTRCB kay Tolentino, ipinaliwanag ng ahensya na pinahahalagahan nila ang opinyon at sentimyento ng publiko tungkol sa pelikula kaya naman dalawang beses itong dumaan sa pagsusuri ng board.

Hiningan rin ng panig ng MTRCB ang Warner Bros na distributor ng pelikula at opinyon ang Department of Foreign Affairs (DFA), Office of the Solicitor General (OSG), at mga eksperto sa West Philippine Sea kaugnay ng isyu.

Sa paliwanag ng MTRCB, ang dash lines na makikita sa bahagi ng mapa na may nakalagay na “Asia” ay hindi hugis letter U at ang dash lines nito ay walo lamang at hindi siyam tulad sa nine-dash line claim ng China.

Naniniwala ang MTRCB na walang basehan para i-ban ang pelikula sa bansa dahil wala naman itong malinaw o direktang depiction ng nine-dash line katulad sa ibang pelikulang na napa-ban sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Tolentino na iginagalang niya ang naging desisyon ng MTRCB pero ikinalungkot niyo ito lalo’t bukas ang ikapitong taong anibersaryo ng pagkapanalo ng bansa sa Arbitral Court kung saan ipinawalang bisa ang nine-dash line ng China.

Sinabi pa ni Tolentino na dapat sana ay sinunod na lang ng MTRCB ang suhestiyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) at inalis na lang ang kontrobersyal na eksena sa pelikula. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us