Kamara, puspusan sa paghahanda para sa ikalawang SONA ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng House of Representatives para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24.

Kabuuang 2,000 na upuan ang inihahanda ng Kamara para sa mga bisitang dadalo sa SONA.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, 1,700 ang ilalaan sa loob ng plenaryo. Kasama na rito ang dagdag na upuan sa mga aisle.

Marami kasi aniyang dating mga mambabatas ang nagpahayag na nais dumalo sa SONA.

Magsisilbi namang overflow rooms ang Romualdez Hall at Women Legislator’s Hall na may tig-150 seating capacity.

Ang mga upuan sa loob ng plenaryo, mapapansin na pula, asul at dilaw, na hango aniya sa kulay ng watawat ng Pilipinas.

Bagamat nagluwag na sa antigen testing at pagsusuot ng face mask, sinabi ni Velasco na kailangan pa ring tiyakin ang kaligtasan ng mga dadalo.

Kaya naman maglalagay ng thermal scanners sa lahat ng entrance ng plenaryo.

Ang mga kakikitaan ng mataas na temperatura ay ia-isolate at isasailalim sa test. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us