Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagsadsad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muli na namang natapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa datos ng PAGASA Hydrome­teorology Division, sumadsad pa sa 178.21 meters ang water level sa naturang dam as of 6am.

Katumbas ito ng tapyas na 59 cubic meters per second kumpara sa 178.80 water elevation kahapon.

Halos dalawang metrong mas mababa na rin ito sa operating level ng dam.

Bukod sa Angat Dam, halos lahat din ng dam sa Luzon na binabantayan ng PAGASA Hydromet ay nagkaroon ng tapyas maliban na lang sa San Roque Dam.

Una nang nagdesisyon ang National Water Resources Board (NWRB) na ibaba sa 48 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko na makiisa sa masinop na paggamit ng tubig. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us