Muling lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pilipinas at Austria bilang pagpapatibay na rin ng maganda at matatag na ugnayan ng dalawang bansa.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, muling pinagtibay ng Vienna at Maynila ang recruitment ng mga Pilipino nurse na una nang itinaguyod ng dalawang bansa mahigit 50 taon nang nakalilipas.
Pinangunahan nila Philippine Ambassador to Vienna Ma. Lourdes Arroyo-Bernas at Department of Migrant Workers Undersecretary Ma. Yvonne Caunan.
Dito, muling tiniyak ng Pilipinas at Austria ang pagtatauyod sa karapatan gayundin sa kapakanan ng mga Pilipino nurse sa ilalim ng isang framework na pinagtibay dito.
Sinabi ni Amb. Bernas, hindi matatawaran ang galing at tibay ng loob ng mga Pilipino nurse kaya’t mahalagang maitaguyod ang kanilang karapatan, kapakanan, at dignidad bilang mga professional healthcare worker.
Taong 1970s nang unang pagtibayin ng Pilipinas at Austria ang naturang kasunduan kung saan, nagpadala ng inisyal na 600 healthcare professionals ang Pilipinas na nagtrabaho sa may 14 na iba’t ibang ospital sa Vienna. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: DFA