Plano ng Navotas local government unit na magtayo ng isang Super Health Center at Bahay Kalinga sa lungsod.
Inanunsyo ito ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na itatayo sa Brgy. NBBS Kaunlaran mula sa lupang donasyon ng National Housing Authority.
Ayon sa alkalde, sa tulong ng Super Health Center, ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga Navoteño na makapag-avail ng laboratory, dental, birthing, at iba pang health services.
Magsisilbi namang temporary shelter ng mga inabandonang matatanda at mga kababaihan at batang survivor ng karahasan ang Bahay Kalinga. | ulat ni Merry Ann Bastasa