Medical Assistance for Indigent Patients, maaari na ring ma-access ng mga mahihirap na pasyente sa mga pribadong ospital sa Region 8

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa kasunduan ang Office of the Speaker, Tingog Partylist, at Private Hospital Institutions sa buong Region 8 para mabigyang access ang mga mahihirap na pasyente sa Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) sa mga pribadong healthcare institution.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Tingog Party-list Representative Yedda Romualdez, na ang serbisyong pangkalusugan ay isang mahalagang karapatan at sandigan ng isang makatarungan at patas na lipunan kaya’t dapat itong ilapit para sa lahat ng nangangailangan.

Sa paraang ito hindi na lamang aniya limitado ang tulong medikal para sa mga mahihirap na pasyente sa mga ospital ng gobyerno.

“We aim to bridge the gap between the privileged and the underprivileged, ensuring that financial constraints no longer hinder access to medical care,” ani Rep. Yedda.

Ayon pa kay Rep. Yedda, sa pamamagitan ng pagpapalawig ng tulong medikal sa mga pribadong ospital, ay kinikilala rin ang malaking papel ng pribadong mga institusyon sa pagbibigay serbisyo sa mga komonidad.

Malaking tulong din aniya ito upang mapagaan ang pasanin ng public healthcare system.

“Together, we can create a healthcare landscape where resources are shared, expertise is pooled, and lives are transformed,” dagdag ni Rep. Yedda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us