Strategic partnership ng Phil. Navy at Italian Navy, pinag-usapan ng mga opisyal ng dalawang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinalakay ang mga posibleng aktibidad na magsusulong ng strategic partnership ng Philippine Navy at Italian Navy sa pagbisita ni Italian Undersecretary of State for Defense, Hon. Matteo Perego Di Cremnago sa Philippine Navy Headquarters kahapon.

Si Usec. Cremnago ay malugod na tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander, Rear Adm. Caesar Bernard Valencia.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, nagpahayag ng kasiyahan si RAdm. Valencia sa kapwa pagnanais na magpapalakas ang kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa.

Nagpasalamat naman si Usec. Cremnago sa mainit na pagtanggap sa kanya, at sinabing inaasahan niya ang mas malawak na kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng “Naval maritime domain”.

Ang pagbisita sa bansa ni Usec. Cremnago ay kasabay ng goodwill visit ng Italian Navy Ship Franceso Morosini (P431) sa Manila. | ulat ni Leo Sarne

📷: Philippine Navy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us