Pangmatagalang reporma sa sektor ng enerhiya, pinanawagan ni Sen. Risa Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Senadora Risa Hontiveros ang administrasyon na unahin ang pagtutuwid ng mga maling kalakaran sa industrya ng kuryente at inaasahan niyang marinig ito sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Hontiveros, pansamantala lang at kakarampot ang bawas singil sa kuryente na ipapatupad ng Manila Electric Company (Meralco) at posible pa itong mapababa kung ang gobyerno ay seryosong magpapatupad ng mahahalagang reporma sa sektor ng enerhiya.

Bukod aniya sa generation charge ay may mga hiwalay pang item sa singil sa kuryente ang maaari pang mabawasan at magkaroon ng pangmatagalang epekto gaya ng distribution charge ng Meralco at transmission charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Isa sa mga minumungkahing reporma ni Hontiveros ang pagpapababa sa napakataas na 15 percent weighted average cost of capital (WACC).

Dapat rin aniyang itama at bantayan ang mga power supply agreements (PSAs) sa pagitan ng mga generation companies at distribution utilities, at ang pagsasaayos ng system operations dahil direktang naipapapasa sa mga konsyumer ang mabigat na epekto ng madadayang kontrata, power shortage, at delayed na mga proyekto sa transmission.

Gayundin ang pagsisimula ng usapan sa posibleng pagtatanggal ng value added tax (VAT) sa kuryente. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us