????????? ?????? ??., ????????? ?? ???’? ????????? ?? ???????? ??? ?????????????? ?? ???-???? ?? ???’? ??????????? ?????? ?? ??????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magsilbing halimbawa ang mga pinarangalang government workers ngayong araw (March 8), sa pagtulong sa administrasyon na maabot ang national development agenda ng bansa, para sa mga Pilipino.

“May the examples of our awardees inspire everyone not only in government, everyone in the Philippines, to actively participate in our efforts to attain the national development agenda,” β€”Pangulong Marcos.

Sa 2022 awarding ceremony sa MalacaΓ±ang, para sa mga indibidwal at grupo na nagpamalas ng katangi-tanging serbisyong publiko, kinilala ng pangulo ang paggampan sa tungkulin ng mga kawani ng pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Aniya, ang trabaho sa pamahalaan ay hindi para sa lahat lalo at malaking bagay ang pag-una sa pangangailangan ng iba, sa pamamagitan ng serbisyong publiko.

Ito ayon sa pangulo ang dahilan, kung bakit dapat lamang na bigyang pasasalamat ang lahat ng mga kawani ng gobyerno lalo na iyong mga tahimik lamang na nagtatrabaho, ngunit higit pa sa minamandato ng kanilang tungkulin ang kanilang paglilingkod na ipinamamalas.

Ngayong araw, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pagbibigay parangal sa 10 indibidwal para sa Dangal ng Bayan Awards. Para ito sa mga indibidwal na nakaagawa ng extraordinary act o public service, o iyong mga indibidwal na nagpakita ng pinakamataas o pinaka-angkop na pag-uugali sa trabaho.

Tatlong indibidwal at tatlong grupo ang nabigyan ng Pagasa award ng Civil Service Commission (CSC). Isa itong pagkilala na ipinagkakaloob sa mga indibidwal na mayroong outstanding contribution, na direktang nakaapekto o nagbigay benepisyo sa higit sa isang departamento ng pamahalaan.

Habang dalawang indibidwal at apat na grupo naman ang nagawaran ng Presidential Lingkod Bayan Award. Para naman ito sa mga indibidwal o grupo, na nagkaroon ng kontribusyon o ambag na ideya o performance, na nagkaroon ng impact sa buong bansa partikular sa usapin ng public interest at security. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us