Lubang, Occidental Mindoro LGU, magtatayo ng pitong gusali para sa housing project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plantsado na ang plano ng lokal na pamahalaan ng Lubang sa Occidental Mindoro na makapagpatayo ng housing units sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program ng pamahalaan.

Ayon sa DHSUD, planong magtayo ng pitong 4-storey buildings ang LGU para sa 576 pamilya.

Prayoridad na mabigyan ng pabahay ang government employees at mga nakatira sa permanent danger zones.

Pormal nang lumagda sa kasunduan ang DHSUD at si Mayor Michael Lim Orayani ng Lubang para sa partnership ng proyekto.

Sa panig ng alkalde, sinasabing ang partnership sa DHSUD ay solusyon sa problema sa pabahay sa kanilang munisipalidad.

Nangako naman ng suporta ang DHSUD, partikular sa aspetong pinansyal para tumulong sa pagtatayo ng proyektong pabahay ng LGU. | ulat ni Rey Ferrer

📷: DHSUD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us