Suportado ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang panawagan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na magkaroon ng bagong Agrarian Reform Law.
Ayon kay Lee, inaaral na nila ang posibleng paghahain ng panukala para sa pagkakaroon ng bagong agrarian reform.
Batid naman aniya na 2014 nang mag-expire o magtapos ang batas para sa libreng pamamahagi ng lupang sakahan sa mga magsasaka.
Magkagayunman tuloy pa rin naman aniya ang pagbibigay ng support service sa agrarian reform beneficiaries.
Sa kasalukuyan, tanging ang House Bill 1161 o Free Land Distribution Act ng MAKABAYAN bloc pa lamang ang nakahain sa Kamara na nagsusulong para sa bagong agrarian reform law. | ulat ni Kathleen Forbes