TVJ, naghain ng reklamo sa Regional Trial Court ng Marikina vs. GMA Network at Tape Inc.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng Complain for Copyright Infringement and Unfair Competition ang “E.A.T” hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ) laban sa GMA Network at TAPE Incorporated, sa Branch 273 ng Regional Trial Court ng Marikina.

Ito ay matapos na mag-replay ang naturang network ng ilang episodes ng “Eat Bulaga” nang walang paalam sa TVJ at ang patuloy na paggamit ng TAPE Incorporated ng “Eat Bulaga” sa kanilang noon-time show.

Matatandaang naghain ang TVJ ng trademark application ng “Eat Bulaga” sa Intellectual Property Office of the Philippines, at nanindigang sila ang may-ari ng trademark na “Eat Bulaga.”

Sa ngayon, naglabas na ng summon ang Marikina Court sa GMA Network at TAPE Incorporated, at binigyan ito ng 30 araw para sumagot sa inihaing reklamo ng TVJ. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us