Pagpapalakas ng agri sector sa bansa, malaki ang papel na gagampanan sa economic development ng bansa –Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang direksyong tinatahak ng pamahalaan, tungo sa pagpapaigting ng agriculture sector ng bansa para sa pangkabuuang development ng ekonomiya ng Pilipinas.

“Kaya po ay maliwanag na maliwanag dahil…nakita namin kahit ano pang gawin natin na pagandahin ang ekonomiya kung hindi natin maayos ang agrikultura, hindi po natin mapapaganda at mapapatibay ang ating ekonomiya. Lalo ngayon ay maraming pangyayari, maraming pagbabago,” —Pangulong Marcos Jr.

Sa distribusyon ng iba’t ibang government assistance sa Butuan City, ipinunto ng pangulo ang pangangailangan na mapagtibay ang sistema sa agri sector ng bansa upang tumibay rin ang iba pang sektor at industriya.

Sa kaparehong kaganapan, ipinunto rin ng ng Pangulo ang pangangailangan na mapataas pa ang produksyon ng agri sector upang ma-sustain ang Kadiwa Stores sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“Para maging matagumpay itong programa ng Kadiwa ay kailangan talaga natin ayusin ang agrikultura natin, paramihin ang mga produkto natin, paramihin ang production natin, pagandahin natin ang processing natin.” —Pangulong Marcos.

Namahagi ang pamahalaan ng 100 sako ng fertilizer para ea higit 700 magsasaka, bukod pa sa agricultural vehicles, na ipinagkaloob ng gobyerno.

Nasa 20 fabricated fiberglass reinforced fishing boats rin ang ipinagkaloob ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda.

Bukod sa pagbibigay ng assistance sa mga magsasaka at iba pang organisasyon, binisita rin ng Pangulo ngayong araw ang Agusan del Norte upang magpaabot rin ng assistance sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs). | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us