Blended learning, planong gawing permanenteng sistema ng DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) na gawing permanente na ang blending learning o paggamit ng kombinasyon ng in-person classes at online classes.

Ayon kay DepEd Spokesperson at Undersecretary Michael Poa, nitong pandemya ay napagtanto nila na puwede pala ang nasabing set-up sa harap ng maraming hamon sa sektor ng edukasyon.

Paliwanag pa ni Poa, hindi kasi kaagad na makapagtatayo ng mga silid-aralan at makakukuha ng serbisyo ng mga guro dahil kinakailangan ng mahabang panahon para matugunan ang mga kakulangan.

Dagdag pa ng opisyal, para ito ay matugunan ay magsasagawa ang DepEd ng two-track approach, kung saan kasabay ng pagtatayo ng mga classroom at pagkuha ng mga guro ay gagamit din ng teknolohiya tulad ng online classes na naging posible noong kasagsagan ng pandemya.

Sinabi rin ni Poa, bago ito ipatupad ay titiyakin ng DepEd na magiging maayos at epektibo ang programa upang hindi makompromiso ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us