Hindi mabatid ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ano ang pakay ng 48 barko ng China na naka-angkla sa Iroquois reef sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Western Command Spokesperson Commander Ariel Joseph Coloma, hindi parin umaalis ang naturang Chinese fishing vessels na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Matatandaang unang namataan ng WESCOM maritime patrols noong Hunyo 30 ang “swarming” ng 48 Chinese vessels sa Iroquois Reef, at mga barko ng Chinese coast guard sa Sabina Shoal.
Ayon kay Coloma, naka-angkla lang sa lugar ang mga Chinese fishing vessel pero wala namang isinasagawang fishing activities.
Sinabi ni Coloma, na hindi naman magpapatinag ang AFP, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries & Aquatic Resources sa pagpapatrolya sa lugar.
Lalo pa aniya’t tinatanggap sa buong mundo ang arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration na kumikila sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea. | ulat ni Leo Sarne