OFW Pass, ilulunsad ng Department of Migrant Workers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na sisimulan na ng kagawaran ang modernization program nito, sa pamamagitan ng paglulunsad ng digital app na pangunahing feature ang OFW Pass kapalit ng Overseas Employment Certificate (OEC).

Ito ang pahayag ni Ople sa Kapihan sa Manila Bay Forum, kaninang umaga.

Ayon sa kalihim, sa ngayon sumasailalim sa masusing testing ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang app, bago ito pormal na ilunsad sa publiko.

Ito aniya ay tugon sa dekada ng problema ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa OEC.

Alinsunod naman sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tiniyak ng ahensya na walang babayaran ang mga manggagawang migrante sa OFW Pass, hindi katulad ng OEC na kinakailangan na magbayad ng P100.

Nakatakdang ilunsad ang OFW Pass kapag nabigyan na ng go-signal ng DICT ang DMW.

Ang DMW mobile app ay magiging available sa Google Play at Apple Store at maaari itong ma-download ng libre. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us