Pagtukoy ng Anti-Terrorism Council sa 6 na miyembro ng kilusang komunista bilang terorista, suportado ng NTF-ELCAC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa resolusyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na tumukoy sa anim na miyembro ng kilusang komunista bilang mga terorista.

Sa pamamagitan ng Resolution no. 41 ng ATC, tinukoy bilang mga miyembro ng Ilocos Cordillera Regional White Area Committee ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army, sina Windel Bolinget, Stephen Tauli, Jennifer Awingan-Taggaoa, at Sarah Abellon-Alikes.

Habang kinilala bilang commanding officer ng Guerilla Front Committee sa Northern Abra si Jovencio Tangbawan; at plenary member ng Southern Mindanao Regional Party Committee si May Vargas-Casilao.

Sa isang statement, sinabi ni NTF-ELCAC National Secretariat Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na designasyon ng ATC sa anim na personalidad bilang mga terorista ay dumaan sa masusing case build-up ng Executive Department katuwang ang hudikatura.

Hinimok naman ng NTF-ELCAC ang lahat ng sektor na suportahan ang ATC sa pagtukoy at pagkilos laban sa mga banta sa pambansang seguridad, upang masiguro ang magandang kinabukasan ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us