Tax collection ng BIR sa unang limang buwan ng 2023, tumaas ng 10%

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue ang pagtaas ng koleksyon nito ng buwis sa unang limang buwan ng taong 2023.

Ayon sa BIR, kung susumahin ang pinagsama-samang koleksyon mula Enero hanggang nitong Mayo ay umabot sa P1.056 trilyon ang nasingil ng ahensya.

Mas mataas ng 9.94% kumpara sa P95.454 bilyong tax collection noong kaparehong panahon ng 2022.

Para sa taong ito, tinatarget ng BIR na makakolekta ng kabuuang P2.599 trilyon na halos 11% mas mataas kumpara sa aktwal na koleksyon nitong nakaraang taon.

Ayon naman kay Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., kumpiyansa itong maaabot ang annual collection target ngayong 2023 lalo na sa pinaigting na tax enforcement activities ng ahensya.

Kabilang dito ang kampanya laban sa mga nagbebenta at tumatangkilik ng mga pekeng resibo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us