Suporta sa MSME, tiniyak ng Mababang Kapulungan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabilang sa legislative agenda ng Mababang Kapulungan ang pagbibigay suporta at pagpapalakas sa mga maliliit na negosyo.

Ito ang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez sa kaniyang pagdalo sa pagbubukas ng National Food Fair (Philippine Cuisine and Ingredients Show).

Aniya, misyon ng Kamara na tulungan ang lahat ng Filipino entrepreneur upang maging matagumpay ang kanilang negosyo.

“As the Speaker of the House, I pledge my commitment to this mission, confident that our collective efforts, our entrepreneurs’ resilience, and the Filipino people’s support will ensure its realization. Our legislative agenda is geared towards their empowerment and growth, working relentlessly to create a level playing field for all businesses,” saad ni Romualdez.

Ilan lamang aniya sa itinulak nilang hakbang para maisakatuparan ito ang pinasimpleng business registration, tax reform, abot kayang financing at digital infrastructure.

Kasama rin sa ibinida ng House leader ang pagpapasa ng One Town, One Product Bill at ng Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Bill.

Partikular nitong ipinunto na sa ilalim ng GUIDE ay itataas ang capitalization ng Development Bank of the Philippines sa P100 bilyon mula sa P35 bilyon.

Paglalaanan din ng P7.5 bilyon ang LandBank at P2.5 bilyon para sa DBP na magagamit para sa pagpapautang ng mga maliliit na negosyo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us