Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga inobasyon na tutugon sa nagbabangong pangangailangan ng mga Pilipino.
“So, I urge our national government agencies to continue pursuing innovative projects that address the needs that evolve now in this modern age for Filipinos.” —Pangulong Marcos
Sa MOA signing ng Department of Agriculture (DA) at Department of Justice (DOJ) para sa Reformation Initiative para sa Sustainable Environment (RISE), kung saan idi-develop ang mga lupa ng Bureau of Corrections (BuCor) na maaaring pagtaniman, sinabi ng pangulo na nakakatulong ang mga ganitong programa sa lipunan.
“Achieving these objectives will also contribute to much greater humanitarian causes, such as the rehabilitation and reintegration of our PDLs and ensuring hunger prevention, poverty alleviation, and better health.” —Pangulong Marcos
Sabi ng Pangulo, kung bibigyang prayoridad ang inobasyon, mapabibilis ang pagbibigay ng programa at serebisyo sa publiko, na siyang magpapalakas sa ekonomiya ng bansa.
Makakaasa aniya ang mga Pilipino na ang Marcos Administration ay magpapatuloy rin sa pagsusulong at pagpapatatag ng pundasyon ng mga inisyatibong ito, sa pamamagitan ng pagbabantay sa progreso ng mga proyekto.
“With us striving towards a shared vision, I am confident that we can build a nation that provides an equitable and egalitarian society for our people that provides opportunities for all and ignites our people’s faith in their potential to transform our society for the better.” —Pangulong Marcos
Umaasa ang pangulo na ang RISE projects ay hihikayat pa sa mas maraming public-private partnership, na magbu-bunga naman ng pangmatagalang impact sa lipunan.
Sa oras na ganap na itong ma-iplementa sa Iwahig, Puerto Prinsesa, ipatutupad na rin ang programa sa iba pang lupain ng BuCor sa bansa, na maaaring mapagtaniman.
Sa pamamagitan ng MOA, ang mga persons deprived of liberty (PDL), partikular iyong mga nasentensyahan ng higit tatlong taon ay magkakaroon o bibigyan ng kaalaman sa farm work na makakatulong naman sa kanilang reintegration o pagbabalik muli sa lipunan.
Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito, matutugunan ang maisasakatuparan ang ilang development goals, higit pa sa pagbibigay ng green infrastructure sa publiko, bagkus, ay masisiguro rin ang food security sa bansa, social inclusion, climate change adaptation, poverty alleviation, at urban water and waste management.
“It remains crucial to note that there is no single sector or institution that can address all the issues that our country faces. It is more pragmatic and effective to allocate our scarce resources wisely and ensure that all our initiatives are aligned, coordinated, and integrated through a whole-of-nation approach.” —Pangulong Marcos
| ulat ni Racquel Bayan