Itinanggi ng Department of Transportation (DOTr) ang mga akusasyon ni Manibela President Mar Valbuena, na bigo ang ahensya na matugunan ang mga concern ng public utility vehicle (PUV) drivers at operators.
Ito ay matapos na maghayag ng mga reklamo si Valbuena sa social media kay Transportation Secretary Jaime Bautista, na hindi nito pinansin ang naunang pangako ng pamahalaan na maisama ang transport sector sa pag-revisit ng 2017 Omnibus Franchising Guidelines ng DOTr.
Giit ng ahensya, ang DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB), at Office of Transportation Cooperatives (OTC) ay nagsagawa ng mga konsultasyon nitong mga nakaraang linggo sa PUV drivers at operators, hinggil sa mga concern nito partikular na sa Local Public Transport Route Plan.
Dagdag pa ng DOTr, patas ang LTFRB sa pagpapatupad ng mandato nito batay sa Omnibus Franchising Guidelines.
Hinamon naman ng ahensya ang Manibela,s na patunayan ang kanilang mga alegasyon at magpakita ng mga ebidensya.
Kaugnay nito sinabi ng DOTr, LTFRB, at OTC na bukas sila sa pakikipag-diyalogo sa mga transport group at nangakong tutugunan ang ang kanilang concern.
Matatandaang magkakasa ng tatlong araw na nationwide transport strike ang iba’t ibang transport group simula sa araw ng SONA sa July 24, upang ipanawagan ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan. | ulat ni Diane Lear