Muling nagtakda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng ikalawang Multi-stakeholder Experts Dialogue kaugnay sa isinasagawa nitong pagrepaso sa polisiya sa mga reclamation projects.
Sa abiso ng DENR, isasagawa ang ikalawang Experts Dialogue sa July 17 sa Quezon City.
Muling pangungunahan ni DENR Secretary Antonia Loyzaga ang naturang dayalogo na layong tukuyin ang mga local at international good practices pagdating sa reclamation.
Dadaluhan ito ng ilang eksperto mula sa United States Army Corps of Engineers, Deltares, at Japan Embassy.
Target din dito na kunin ang posisyon ng mga stakeholder sa mga isyu sa reclamation.
Una nang nagsagawa ng reclamation forum ang DENR noong Mayo kung saan ipinunto ni Sec. Loyzaga ang pangangailangan sa isang “evidence-based impact assessment” para sa ecological at socio-economic impacts ng reclamation. | ulat ni Merry Ann Bastasa