2 suspek sa online sexual abuse, arestado ng ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang dalawang suspek na sangkot sa online sexual abuse ng isang menor de edad.

Sa ulat ni ACG Director Police Brigadier General Sydney Sultan Hernia kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang mga suspek na sina Ian Mark Esguerra, 18, at Jerome Ora y Dela Cruz, 20, kapwa mula sa Calasiao, Pangasinan.

Inaresto ang dalawa sa isang entrapment operation sa isang convenience store sa Moncada, Tarlac City, kahapon ng hatinggabi.

Inireklamo ng magulang ng biktima ang ginawa ng mga suspek na pagbabanta sa biktima para magpadala online ng mga maseselang larawan, na inisyal niyang pinagbigyan.

Nang tumanggi nang magpadala ng karagdagang larawan ang biktima, pinost umano ng mga suspek ang kanyang mga hubad na larawan sa isang pekeng Facebook account, at sinabi sa biktima na buburahin lang ito kung papayag siyang makipagtalik.

Ang dalawang arestadong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11930 o Anti-Online Sexual Abuse and Exploition of Minors Law; at iba pang kasong kaugnay ng paglabag sa RA 10175 Cybercrime Prevention Act of 2012. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us