West Philippine Sea Day, ipinapanukala ng Kabataan Party-list

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang panukalang batas ang inihain ng Kabataan Party-list na layong ideklara ang July 12 bilang West Philippine Sea Day.

Sa paraang ito ay aalalahanin ang makasaysayang 2016 Hague Ruling kung saan nanalo ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Partikular dito ang pagbasura sa nine-dash line claim ng China.

Umaasa si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na sa pamamagitan nito ay mas bibigyang halaga ng mga Pilipino ang Hague Ruling at patuloy na maninindigan para ipaglaban ang ating soberanya at territorial integrity.

“The bill aims to raise awareness among Filipinos about the significance of the ruling and its implications for the country’s sovereignty, territorial integrity, and marine resources,” saad sa explanatory note ng panukala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us