Patuloy ang konsultasyon ng Department of Transportation (DOTr) para sa pagsasaayos ng pampublikong transportasyon sa bansa.
Ito’y matapos magbigay ng pahayag ang grupong Manibela na hindi natugunan ng DOTr na maisama ang sektor ng transportasyon sa Development Plan ng Department of Transportation.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, bukas ang kanilang tanggapan sa grupong Manibela upang patunayan sa kanila na hindi nila ginagawa ang pag-address sa pagsasaayos ng kanilang hanay.
Kaugnay nito, patuloy ang kanilang pagsasaayos katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpapatupad ng Omnibus Franchising Guidelines para sa mga corporations at cooperatives sa bansa.
Muli naman hinimok ng Transportation secretary ang naturang transport group na imbes na magsagawa ng transportation strike ay makipagdiyalogo na lamang sa kanila upang mas mapag-usapan ang kanilang hinaing sa national government. | ulat ni AJ Ignacio