PNP Chief, kumpiyansang magiging patas at makatarungan ang MUP Pension Reform Bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng kumpiyansa si PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. na magiging patas at makatarungan sa lahat ng partido ang Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension Reform Bill na kasalukuyang tinatalakay sa Kongreso.

Ito ang inihayag ng PNP Chief matapos na makipagpulong kay House Speaker Martin Romualdez, para talakayin ang legislative agenda ng PNP kabilang ang panukalang MUP pension fund.

Ayon sa PNP Chief, aktibong nakikilahok ang PNP sa pagtalakay sa naturang panukala dahil apektado nito, hindi lang ang mahigit 220,000 nilang tauhan, kundi maging ang lahat ng nagretiro sa serbisyo.

Ikinatuwa naman ng PNP Chief ang pagtiyak ni Speaker Romualdez na maghahanap sila ng “win-win” solution sa isyu ng MUP pension kung saan prayoridad ang kapakanan ng mga retiree na nagserbisyo sa bayan.

Nagpasalamat din si Gen. Acorda kay Speaker Romualdez sa pangako nitong suporta para sa 2024 budget ng PNP. | ulat ni Leo Sarne

📷: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us