Nais ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na magkaroon ng imbestigasyon ang kaukulang kumite ng senado tungkol sa serye ng aircraft crashes na kinasangkutan ng mga chartered flights, non-scheduled commercial flights at pilot training schools.
Sa inihaing Senate Resolution 513 ni Revilla, layon ng isusulong na Senate inquiry na makabuo ng mga hakbangin para mapalakas ang kasalukuyang aviation protocols at practice na tumutugon sa international safety standards.
Ayon sa senador, dapat pairalin ng senado ang oversight function nito at busisiin ang estado ng aviation industry para matiyak ang kaligtasan ng mga piloto, student-pilot, crew members, at mga pasahero.
Ito rin ay para maiwasan ang casulaties at pinsala sa mga ari-arian.
Pinatututukan ng mambabatas ang aircraft at fleet maintenance, operating standards, at training systems ng aviation schools. I via Nimfa Asuncion