Matagumpay na inilunsad ng Philippine Red Cross katuwang ang Malabon LGU ang Mass Casualty Incident Training and Simulation Exercise sa Tinajeros Elementary School sa lungsod ng Malabon.
Ang simulation exercise ay batay sa isang scenario na may kinalaman sa magnitude 6.8 na lindol.
Layon nitong pahusayin ang emergency response, kapasidad, koordinasyon, at katatagan ng PRC at ang local government unit sa pamamahala ng mass casualty incidents (MCIs).
Ipinaliwanag ni PRC Chairman Dick Gordon ang kahalagahan ng simulation exercises lalo pa’t ang bansa ay nangunguna sa panganib sa kalamidad.
Kasama sa aktibidad ang mga medikal na doktor, nars, pulis, at mga bumbero, City Disaster Risk Reduction Management Office, City Public Information Office at City Health Office.
Pagkatapos sa lungsod ng Malabon, magsasagawa pa ang PRC ng isa pang kahalintulad na exercise sa Quezon City sa Hulyo 20 at inaasahang susundan ng iba pang PRC chapters sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer