Masasabing nakabangon na nga ang tourism sector ng Pilipinas matapos padapain ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni House Committee on Tourism vice-chair Marvin Rillo matapos maitala ang 2,470,789 na foreign travelers na bumisita sa Pilipinas sa unang anim na buwan ng 2023.
Aniya ang bilang na ito ay higit pa sa kabuuang 2.025 million tourists na bumisita sa bansa noog 2022.
Kabilang sa top foreign tourists na bumisita sa bansa ang South Koreans, Americans, Australians, Japanese at Canadians.
Dahil naman sa pagsigla muli ng turismo ay nabuksan din aniya ang potensyal ng dagdag na trabaho.
Katunayan, sa accommodation at food service industry aniya, 398,000 na trabaho ang nalikha hanggang May 2023.
Welcome din para kay Rillo ang plano ng bansang France na magkaroon ng direct flights mula Paris pa-Manila dahil mas mae-engganyo ang mga French tourists na mamasyal dito sa bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes