Inaasahang lalakas ang ekonomiya at turismo ng probinsya ng Antique sa oras na matapos ang Antique Airport Development Project.
Ayon kay Antique Lone District Representative Antonio Legarda, mapalad ang lalawigan dahil isa ito sa mga lugar sa bansa na nabigyan ng pondo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para mapaganda at mapalawak ang paliparan.
Naglaan ng P500 milyong pondo ang Department of Transportation (DOTr) para sa konstruksyon ng passenger terminal building, control tower at fire house.
Sa ngayon, nasa 75 porsyento na ang proyekto at inaasahang matatapos sa huling quarter ng taong 2023.
Nagpapasalamat naman ang mga opisyal ng lalawigan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil ang nasabing proyekto ay matagal ng inaasam-asam ng mga Antikenyo na magkaroon ng modernong paliparan.
Ang pagpapaganda at pagsasaayos ng mga paliparan sa bansa ay bahagi ng P2.5B alloted airport modernization ni Pangulong Ferdinand Marcos sa ilalim ng programang Build Better More.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo