Water level ng Marikina River, nasa normal status pa kahit patuloy ang pag-ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling nasa normal alarm level ang Marikina River sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan ngayong umaga.

Hanggang alas-6:00 kanina, nasa 13.2 meters ang tubig sa ilog na malayong malayo sa 15 meters alarm level 1.

Bagama’t may pagtaas sa lebel ng tubig kumpara sa 12.7 meters kaninang alas-5:00 ng umaga.

Batay sa ulat ng Effective Flood Control System (EFCOS) monitoring station, may mga pag-ulan pa sa mountainous area sa lalawigan ng Rizal na dumadaloy sa Marikina River.

Pero walang dapat ikaalarma ang publiko dahil minimal lamang ang rain fall count sa mga bulubundukin ng Campana, Boso boso, Aries, Oro at Nangka. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us