Ika-33 taong anibersaryo ng 1990 Luzon Earthquake, ginugunita ngayong araw ng PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginugunita ngayong araw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ika-33 taong anibersaryo ng malakas na lindol na tumama sa bahagi ng Northern at Central Luzon noong Hulyo 16, 1990.

Bandang alas-4:26 ng hapon nang mangyari ang 7.8 magnitude earthquake na kumitil sa higit 1,200 buhay at nakapaminsala ng imprastraktura ng aabot sa P10-billion.

Itinuturing itong isa sa pinaka-mapaminsalang lindol na nangyari sa Pilipinas.

Pagbabalik tanaw pa ng PHIVOLCS, natunton ang epicenter ng lindol sa Rizal, Nueva Ecija, sa hilagang-silangan ng Cabanatuan City.

Malakas na pagyanig ang naramdaman at ikinasira ng mga imprastraktura sa Baguio City, Cabanatuan City, Dagupan City at San Fernando City.

Ang masabing lindol ay nakalikha ng 120-km na haba ng surface rupture sa bahagi ng digdig ng Philippine fault.

Naidokumento din ang iba pang geologic impacts gaya ng liquefaction at pagguho ng lupa na dulot ng lindol. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us