Pinaalalahanan ng Land Transportation Office – National Capital Region ang mga motorista na mag-ingat at iwasan ang pagmamaneho ng mga sasakyang may depekto sa accessories.
Ginawa ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III ang apela kasunod ng pagkahuli ng 7,451 motorista sa iba’t ibang operasyon dahil sa paglabag sa mga batas trapiko.
Sa kabuuang bilang ng nahuli, 837 dito ang natukoy na nagmamaneho sa mga sasakyang may depektibong accessories.
Paliwanag pa ng opisyal, ang pagmamaneho ng mga sasakyang hindi gumagana nang maayos ay maaaring magdulot lang ng iba’t ibang panganib. | ulat ni Rey Ferrer