Maharlika Investment Fund, ‘weapon of mass development’ ng Marcos Jr. administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na ‘weapon of mass development’ ng Marcos Jr. administration ang Maharlika Investment Fund.

Ayon sa mambabatas, bago ipanukala ang MIF, tanging ang Pilipinas na lamang ang major ASEAN economy na walang sovereign wealth fund.

Isa rin aniya ang Pilipinas sa mga bansa na ang state bank o central bank ang nagsisilbing dominant player sa financial sector.

Maliban dito, tinukoy pa ng House tax chief na mayroong highly liquid na financial sector ang bansa at cash-rich na corporate sector ngunit limitado naman ang investment options sa domestic capital market.

Kaya’t pinakamagandang tugon para maayos ito ay ang pagbuo ng isang investment fund.

“…it’s a massive milestone for the Marcos administration. I say that with some bias perhaps, being the chairman of the technical working group that drafted the law, but I also say that as a finance professional who spent much of my adult life helping move the capital markets.” paliwanag ni Salceda.

Pagbabahagi pa ng economist-solon ilang kilalang investment funds na ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa MIF.

Halimbawa nito ang Temasek ng Singapore at Japan Bank for International Cooperation.

Inaasahan na malalagdaan na ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang MIF Bill bago ang kaniyang ikalawang State of the Nation Address sa July 24. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us