86 anyos na lolo sa Catanduanes, nagtapos sa ALS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatunayan ng 86-anyos na si Jose Timajo Rojas na walang pinipiling edad para makapagtapos ng pag-aaral.

Si Lolo Jose na isang magsasaka mula sa barangay San Roque, Bato, Catanduanes ay nagtapos ng Junior High School sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) ng DepEd sa Bato Central Elementary School nitong Hulyo 14.

Si Lolo Jose ang pinakamatandang mag-aaral ng ALS at Passer ng Presentation Portfolio Assessment (PPA) sa bayan ng Bato at maging sa buong lalawigan ng Catanduanes.

Kwento ni Lolo Jose, nahinto sya sa pag-aaral sa ika-4 na baitang pa lamang dahil sa hirap ng buhay. Hindi na rin niya nagawang makabalik sa pag-aaral noon dahil 18 taong gulang lamang siya nang mamatay ang kanyang ama. Maaga aniya siyang nakipagsapalaran sa buhay at nagpalipat-lipat din sa iba’t ibang klase ng trabaho.

Nakilala na aniya ni Lolo Jose ang programang ALS ng DepEd dahil sa kaniyang apo na isang guro sa ALS.

Hanggang sa isang araw ay dumating ang mga ALS teachers sa kanilang barangay at doon niya nakila si ALS teacher Marilou Sarmiento. Tinanong aniya siya nito kung gusto niyang mag-aral sa ALS. Sa una aniya’y nag-alangan pa sya dahil senior citizen na sya subalit sinubukan nya pa rin hanggang sa nakapasa nga siya sa PPA.

Ayon naman sa guro ni Lolo, “Very active, jolly and eager to learn” na estudyante si Lolo Jose. “Everytime pigadalhan siya ning learning materials, dagos niya pigabasa pati pigasimbagan”.

Kaya naman si Lolo Jose, naka-graduate with Highest Honors.

“Kaya ko man palan makisabayan sa mga aki maski gakaedad na”, proud na proud nitong pahayag.

Si Lolo Jose ay isa lamang sa halos 900 graduates ng ALS sa Catanduanes ngayong School Year 2022-2023 na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa lahat na hindi hadlang ang edad at mga pagsubok sa buhay para matupad ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral. | ulat ni Juriz dela Rosa | RP1 Virac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us