Medical mission para sa mga OFW at kanilang pamilya, ikinasa ng OFW Party-list

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa higit 600 na overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang kapamilya ang naka-benepisyo sa ikinasang medical mission ng OFW Party-list katuwang ang Chinese General Hospital nitong weekend.

Ang mga OFW at kanilang dependents ay nakatanggap ng libreng dental checkup, gamot, at eyeglasses.

May 50 bata rin na pawang mga anak ng migrant workers ang sumailalim sa check up at nabigyan din ng libreng gamot.

Nakibahagi rin sa naturang event ang PAG-IBIG Fund para sa membership application at updating at issuance ng PAG-IBIG Loyalty Card.

Malaki naman ang pasasalamat ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino sa kanilang nakatuwang na ospital.

Aniya, maliit na paraan lamang ito ng pagpapakita ng pasasalamat sa mga OFW na nagsasakripisyo magtrabaho sa ibang bansa.

“We are pleased to partner with Chinese General Hospital and Medical Center to provide much-needed medical assistance to OFWs and their families. This is a simple way of taking care of and giving back to our OFWs whose diligent work abroad work not only benefit their families, but also the economy. Huwag natin kalimutan ang ating mga OFWs, lalo na ang mga bumalik na sa bansa at nagkakaedad na mas kailangan ng ating kalinga,” saad ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us