Wala pa ring aasahang water interruptions ang mga customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City, at Valenzuela.
Kasunod ito ng anunsyo ng water concessionaire na patuloy na suspendido ang scheduled daily water service nito.
Paliwanag ng Maynilad, nakatulong ang mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw na dulot ng Habagat at bagyong Dodong upang mapataas ang water elevation sa Ipo Dam, dahilan kung bakit patuloy aniya nitong natatanggap mula sa Portal ang 2,400 MLD (million liters per day).
Sapat ito para mapanatili ang normal na serbisyo ng Maynilad sa kabila ng mas mababang water allocation mula sa Angat Dam.
Ayon naman sa Maynilad, ibabalik lamang ang daily service interruptions kapag tumigil na ang water inflows sa Ipo Dam dala ng mga pag-ulan, at muling maramdaman ang kabuuang epekto ng 48 CMS allocation. | ulat ni Merry Ann Bastasa