Toll Regulatory Board, inaprubahan na ang taas-singil sa Cavitex

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang taas-singil sa isang toll road ng Cavite Expressway o Cavitex.

Sa inilabas na datos ng TRB, ₱2 ang itataas ng toll ng Cavitex mula Coastal Road hanggang Parañaque, Las Piñas, Zapote Exit. Mula ₱33 ay magiging ₱35 na para sa Class 1 vehicles. Sa Class 2 vehicles naman ay mula sa dating ₱67 ay nasa ₱70 na. Habang sa Class 3 naman ay nasa ₱104 na ang singil sa dating ₱100.

Sa ikalawang toll plaza naman, ay nasa ₱70 na sa dating ₱67 ang magiging singil ng Cavitex para sa Class 1 vehicles, habang nasa ₱145 naman mula sa dating ₱129 ang singil sa Class 2 vehicles, at nasa ₱219 naman na dating ₱194 ang singil sa Class 3 vehicles.

Ayon sa Cavitex, maglalabas sila ng public announcement kung kailan ipatutupad ang bagong toll fees. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us