Psoriasis, pinasasama sa coverage ng Universal Health Care Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang isang party-list solon na uusad ang inihaing Psoriasis Bill upang maisama ang psoriasis sa sakop ng Universal Health Care Law.

Ito’y kasunod ng pagdalo ni ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes sa katatapos lamang na International Federation of Psoriasis Associations (IFPA) Forum sa Singapore.

Aniya, naka-antabay at nakatingin ngayon ang ibang mga bansa sa Pilipinas kaugnay sa pagsasama ng mga pasyenteng may psoriasis sa libreng primary health care services.

Paalala ng mambabatas na ang naturang autoimmune disease ay panghabang buhay na sakit na wala pang lunas o gamot at nakaka-apekto sa pamumuhay ng maraming mga Pilipino.

Kabilang na rito ang social stigma na nakaka-apekto sa kanilang pakikisalamuha sa iba.

“The world looks to follow the Philippines’ template on, and its progress in, ongoing legislative efforts towards the inclusion of psoriasis in free primary health care as interest from other countries gains ground… Government must address this with urgency. It must be covered by PhilHealth so that people living with psoriasis can go back to productivity,” saad ni Reyes.

Ayon sa datos ng Psoriasis Philippines, 1% hanggang 2% ng kabuuang populasyon ng bansa ang may psoriasis.

Habang ang datos ng Department of Health ay nasa 300,000 na Pilipino ang iniinda ang naturang sakit. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us