Makikipagtulungan ang Philippine Statistics Authority (PSA) na amyendahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Revilla Law, ayon sa Agimat Partylist.
Ayon kay Representative Bryan Revilla, napag-alaman nila na dahil sa kaso ng Grande vs. Antonio noong February 18, 2014 ay nagkaroon ng pagbabago sa naturang batas.
Aniya, matapos nito ay hindi na magamit ng mga ilehitimong anak na ipinanganak mula August 4, 1988 hanggang March 19, 2004 ang apelyido ng kanilang ama.
Nakipag-ugnayan ang Agimat Partylist sa PSA para legal nang magamit ng mga indibidwal na ipinanganak sa mga nasabing taon ang apelyido ng kanilang ama.
Dagdag ni Revilla, inaasahan na maisasakatuparan ito sa buwan ng Abril. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.