26,000, apektado ng bagyong Dodong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 9,223 pamilya o 26,331 indibidwal ang naaapektuhan ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Dodong.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, July 17.

Nagmula ang mga apektadong residente sa 92 barangay sa Region 1, Region 3, Calabarzon, Mimaropa, at Region 6.

Habang pansamantalang sumisilong ang 217 pamilya o 849 indibidwal sa 23 evacuation center sa nabanggit na mga rehiyon.

Samantala, isinasailalim pa sa berepikasyon ang isang naiulat na nasawi sa Calabarzon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us