Mga lisensyadong nurse na walang trabaho, tutulungan ng DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Department of Health o DOH ang naging rekomendasyon ng isang mambabatas na i-ultilize ang mga lisensyadong nurse sa bansa.

Ito’y makaraang himukin ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na hanapin ng DOH ang mga lisensyadong nurse na walang trabaho bilang solusyon sa nararanasan ngayong shortage sa mga nurse sa bansa.

Sagot ng Kagawaran, nakikipag-ugnayan na sila sa Professional Regulation Commission o PRC para tukuyin kung ilang nursing graduates ang nakapasa sa licensure examinations.

Hihingin din ng DOH ang tulong ng Department of Labor and Employment o DOLE upang matunton ang mga licensed nurse na napunta naman sa iba’t ibang larangan para hikayatin silang i-practice ang kanilang propesyon.

Aalamin din ng Kagawaran ang mga bakanteng plantilla at magsasagawa sila ng mapping sa lahat ng rehiyon sa bansa upang hindi na kailangan pang lumayo ng mga licensed nurse sa kanilang lugar. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us